Friday, July 22, 2005

Finally!

Last week nakabili na rin ako ng DVD Player. Antagal ko nang gustong mag-upgrade.
Buti nalang nagkasya rin yung pambili. Ayun, nagpasama ako ke Teejay, bumili na rin sya ng bagong amplifier! Nice.
Paulit-ulit kami ngayon sa panonood ng 'Alive At Red Rocks' ng Incubus - ang pinakaunang DVD na binili ko (kahet wala pa ako player nun bumili nako nung ni-release eh.. hehe, adiktus sa inkubus). Tapos nung Sabado, nagpunta ako Gateway Cubao para kunin yung CD (Stereophonics' Performance & Cocktails) na binili ko through EBay.ph.
Eh napadaan akong Oddysey, putek nakita ko yung matagal ko nang hinahanap na movie.. 'FROM HELL'! Wala eh, impulsive, bili na agad. Hehe.. trip na trip ko kase yung cinematography ng pelikulang to. Swak na swak pa acting ni idol Johnny Depp.
Da best!
Ngayon, dalawa palang DVD's namen dun ngunit sangkaterbang VCD's.
Kaya kung sino man magpapahiram saken, laking tuwa ko nyan! hehe..

Nga pala, kung sino man may alam san makakahagilap ng mga to, sabihin nyo naman o:
BLADE RUNNER
MEMENTO
2001: A SPACE ODDYSEY
DANCER IN THE DARK
HIGH FIDELITY & BEING JOHN MALKOVICH
(I'm a sucker for John Cusack)
Tagal ko nang hinahanap mga to eh, DVD or VCD.
Parang awa nyo na.

21 comments:

Anonymous said...

May papahiram ako pero di kasama sa mga nasa list mo...

~»;Stellar;«~

jas said...

shet! bigtime na sha! woohoo!

movie marathon?

pakita ka muna samen.

=)

jas said...

btw, lahat ng hinahanap mo ay matatagpuan sa friendly, wonderful, surreal world of QUIAPO!!

go na! =)

Rob Equiza said...

Yahoo, papahiramin ako ni Stellar ng Bend it Like Becks!! :)

Jas, napag-iwanan nako ng panahon.
Kaya hindi sa pagiging bigtime yown.. Dapat lang talaga. Hehe..
Naku, Quiapo. Lousy as it may sound pero parang ayoko muna patikimin ng pirated tong player eh.. Hehehe.. Maybe after 6 months? :p
OA eh noh? Haha! Peramin mo ko orig! Chige na!

jas said...

ang OA naman. e halos lahat kaya piratang dibidi ang isinasaksak sa mga players nila. o sige wag kang bumili ng pirata. ewan kung ilan lang mapapanood mo.

wahahahahaha!

Anonymous said...

oi.. apir!
meron kami dito bjork's dancer in the dark at yung volumen na dvd compilations ng mga videos nya.
tas malamang tumbling ka sa being john malkovich. astig din. at meron din kami dito nung bend it like bekham.orig to,pwamiz. am not bragging. just making friends. kyut kasi kakulitan niyi ni jas eh. nakikisawsaw lang ako sa usapan ng may usapan.
oi.. pero ito talaga sadya ko.favor naman. help me convince jas na lumipad na dito sa dabaw at ipagburn na lang kita ng kopya ng mga bjork dvd's ko.
tas sa august kadayawan na dito. paliparin nyo si jas papunta dito ha?
sori pero di tayo magkakilala.obvious ba? =)
sana walang sitahan dito sa eskinitang to.
binisita ko kasi blogspot ni jas. napadaan lang ako sa mga eskinita ng blogspot niya.
cge,go...
amen.

Rob Equiza said...

Hi Kate. Salamat sa pagbisita sa blog ko kahet mejo alangwenta..
Vids ni Bjork at ang kanyang pelikula? Ayos yun ah!! Gusto ko nun!
Yung Malkovich, napanood ko na dalwang beses nun pa sa cable. Kaya gusto ko mapanood ulet ngayon.. Astig concept eh noh?
Sige, convince ko si Jas.. Tignan ko lang ko makakaya ko ha?
Lam mo namng stubborn din yang babaeng yan. Hehe.. Wow, Davao.. Taga Samar ako, pero ni-minsan di pa ko nakapuntang Davao. Gusto ko nga eh, lalo't meron kameng relatives sa Bukidnon (layo ba yun? hehe..)
Pero pwamis, subukan kong kumbinsihin si ms. mohammad.. :p
Sana sana sana sana sana pumayag (para meron nakong dancer in da dark)..
Tengks ulet!

Rob Equiza said...

At dahil sa sinabe mo JAs, pupunta akong Kyapo nagyong linggo at magsah-shopping ako ng mga pirata!! Hehe.. Bahala na. Hoy kita tayo. May deal kami ni Kate. :)

Anonymous said...

at eto pa.
iinggitin kita ha?
meron akong autobiography ni bjork. yung army of she.na libro niya.nabili ko sa friend ko sa halagang 75 lang naman.hoy,punasan mo yang laway mo...hehehe... btw,basta.. kayo din punta kayo dito.kadayawan na.me exhibit kame tas jammings.basta,bathala na...
amen.

jas said...

sige rob let's see if your powers will work on me. hahahaha.

i've set up my sights up north. hehehe.

pero shempre di ko rin palalagpasin ang pagkakataon na makapunta ng dabaw. nakikipag-negosashon pa din ako sa tatay ko na payagan nya na kong dalawin ang mga kamag-anak namin down south. kaso sabi nya baka daw after nalang ng ARMM elections, at kapag may sapat na kong kaperahan.

kaya kate, malamang di ko na maabutan ang kadayawan dahil walang wala parin akong pera.

olats is me.

Rob Equiza said...

Powtek. How do you get so lucky, man?? I'd like to get my hands on one copy of that book! Bjork Bjork Bjork, isa kang Diyosa...
Ingget nga ako, Kate. Gusto ko rin nyan! :p

OLATS ka nga Jas! Hehe..
Sige manghoholdap ako ng bangko para may pamasahe ka. Nyehehe.
'The Bankrobbing Stick-Man'.

Anonymous said...

hehehe...
sinuwerte lang ako.
pero malas pa rin ako sa ibang bagay.
heniwee,taga-samar ka diba? me katropa ako dito sa Katribu Art Movement at sa Unwritten Future Guerilla Theater Collective,si Janet Mabacyao. do u know her? hay naku...sayang ang kadayawan..okey,fine.paxerox ka na lang ng army of she ko. bwahaha.. nye nye nye nye nye (singsong)
=p
at mga pards,patulong naman o?we're planning to take arms as women of the world. charing.. seryusli,me binubuo kaming all women circle for social concerns. baka pwede kaming paturo how to make a webby? di ko kasi kabisado kung papano gumawa ng website eh... help us please?
at tsaka amber jazz,por yur impormeyshon,di po exklusibo ang itatayo naming side project. kasali ka na dito sa isip,sa salita at sa gawa.kaya rumaket ka na diyan para kitakits na at kape-kape at usapang gerlaloo na..
om shanti...

jas said...

at tsaka amber jazz,por yur impormeyshon,di po exklusibo ang itatayo naming side project. kasali ka na dito sa isip,sa salita at sa gawa.kaya rumaket ka na diyan para kitakits na at kape-kape at usapang gerlaloo na..

hahahaha. naks naman! salamat kung ganon. it's a priviledge. :)

sige raraket na ko ng matindi tindi dahil dabaw na dabaw na din ako! hahahaha.

jas said...

Sige manghoholdap ako ng bangko para may pamasahe ka. Nyehehe.
'The Bankrobbing Stick-Man'.


somehow nakaisip ako ng konekshon. hahahaha.

robee tha bankrober.

hehehe.

sori ang korni ko. :)

Rob Equiza said...

Janet Mabacyao? Nope, doesn't ring a bell. hehe.. Malaki din kase Samar eh. Taga-Calbayog City ako. Punta ka din dun.. Yun daw ang 'City of False', er, Falls. :p

Kanat siroks dat no no no. Mast heb da buk. EN dat dibidi! Harrrr..

I'm not really a web designer Kate, but I'm a widow in HTML. Nag-aral lang ako mag-isa thru the web din. Ekspe-eksperement.. If you want, I can help you with your site. All you need is just a Yahoo Account tapos okey go go go na yun!

Rob Equiza said...

'The Bankrobbing Stick-Man'

Actually that does tap something in my mind, Jas.. Kase kahet nung college pa, pag tinitignan ko Metrobank, palaging nagingibabaw 'rob' saken eh.
Not just because its my name but also because of its irony - a bank that has the verb ROB in its name.
Well. hehe..

Unknown said...

hi he,he kakagulat sisingit lang ako. Ask ko wat school ka nagraduate sa Calbayog din ba? Taga Calbayog din kasi ako pero elementary lang ako dun HS and College Manila. Pero taga Barangay Oquendo ako baka alam mo yun? Wish ko lang... visit mo naman blog ko www.klitorika.blogspot.com by the way frend ako ni kate kilala mo yun? he,he im here in davao kasi ngayon pero parents at relatives ko nasa Calbayog ohhh naalala mo na ako? hehehe musta?

Rob Equiza said...

'Ellow.. Kaw ba si Janet Mabacyao?
Yep! Taga-Calbayog ako. Grew up and studied there until High School (Christ The King College). Elementary, Pilot Central School ako. Although since College, dito na talaga ako Manila. Sa FEU kame nina Jas. Yes, I know Oquendo, its just south of City Proper. Talaga, dun ka elementary? Dun pa pala parents mo, wala ka ba balak muwi dun or bakasyon man lang some time? Uwi ako this September. Fiesta eh. :)
I'll definitely visit your Blog, fellow calbayognon! ;)

Anonymous said...

meron akong dancer in the dark....~sarah brightman~

Rob Equiza said...

Sarah Brightman? La Luna or Harem?
Sino to? Si Jay? Archie? Miriam? Hehe..
Uy peram naman ako kung sino man ikaw..! :)

Anonymous said...

oi...
muztah?
me sarah mclachlan ka ba?
peram beh?
you like catpower and portishead?
meron aketch...
watchathink?
trade?
hehehe...
gotcha...
again...
amen..