Tuesday, August 30, 2011

Putik sa inuming tubig.


Dalawang-sampung tao na puno ng pagtitimpi
Hindi lubos maisip, hindi rin mawari
Sa puso at isipan pansing may bumabalot
Dahan-dahang pag-usbong ng tahimik na sigalot

Bulong niya rito, bulong niya rin doon
Salitang matatalim pabayang itinatapon
Hinugis, itinanim, kinalat nang biglaan
Kanya palang pintas ay kanya mismong kasalanan

Pinunong naturingan ayon sa antas
Nakikipaligsahan sa paraan ng isang ahas
Ngunit kahit sino'y 'di malilinlang
Magtago man sa maskara, kulay mo'y lulutang


_

Sunday, August 14, 2011